-- Advertisements --
Pumalo na 5,087 katao ang nasawi dahil sa patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militants na nagsimula mula pa noong Oktubre 7.
Ayon sa Palestinian Authority Ministry of Health na mayroong 15,273 iba pa ang nasugatan sa insidente.
Bukod pa dito ay mayroong 95 Palestinian ang nasawi at 1,828 ang sugatan sa West Bank.
Nakaranas din sila ng 250 na pagtama ng missile sa kanilang health sector na nagdulot ng kakulangan ng suplay ng gamot sa mga residente.