-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Tinatayang aabot sa P10-million ang danyos sa nasunog na bahay sa Bengao Road, Bakakeng Central, Baguio City noong hapon ng Mayo 9.
Nakilala ang may-ari ng bahay na si Engr. Emmanuel Caluza, na isang contractor.
Ayon sa mga naka-saksi sa pangyayari, nakarinig sila nang pagsabog sa garahe ng tatlong palapag na bahay hanggang sa kumalat ang apoy.
Napag-alaman sa imbestigasyon na nasa loob ng bahay ang tatlong katao nang mangyari ang sunog ngunit agad namang nakalabas ang mga ito.
Ayon kay SFO4 Reynold Miguel mula sa BFP, tinatayang aabot sa P10 million ang halaga ng nasunog na bahagi ng bahay kabilang ang isang sasakyan.
Walang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog.