Bumaba sa kaniyang puwesto bilang nanalong Miss Japan ang Ukrainian-born beauty queen.
Kasunod ito sa lumabas na ulat na nagkaroon ito ng relasyon sa lalaking may-asawa na.
Ang 26-anyos na si Karolina Shiino ay nagwagi noong nakaraang dalawang linggo kung saan marami ang nagulat dahil sa kaniyang nationality.
Bagamat marami ang tumanggap sa panalo nito ay may ilan naman ang kontra sa nasabing panalo ni Karolina dahil sa hindi ito nagrerepresenta ng tradisyon ng Japan.
Sa una ay ipinagtanggol ng organizers ang beauty queen dahil hindi nito alam na may asawa na pala ang kaniyang karelasyon.
Subalit nitong Lunes ay umamin si Shiino na alam niyang may-asawa na ang nobyo nito.
Sa kaniyang sulat ay humingi na lamang ito ng tawad sa organizers at handa itong bumaba sa puwesto.
Mananatiling bakante ang Miss Japan title kahit na may mga runner ups na nagwagi.