Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagpositibo sa nakakalasong red tide sa 8 lugar sa Visayas at Mindanao.
Ito ay matapos ang isinagawang pagsusuri ng ahensiya sa mga shellfish na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar kung saan nadetect ang paralytic shellfish poison o toxic red tide nang lagpas sa regulatory limit.
Kabilang dito ang Sapian Bay (Ivisan and Sapian in Capiz; Mambuquiao and Camanci, Batan in Aklan); coastal waters ng Roxas City sa Capiz; baybayin ng Pontevedra sa Capiz; baybayin ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Kaugnay nito, lahat ng shellfish at alamang na makukuha sa naturang mga baybayin ay hindi ligtas na kainin.
Subalit ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas na kainin basta’t sariwa at nahugasang maigi at natanggal ang hasang at intestines bago lutuin. (Reports from Bombo Everly Rico)