-- Advertisements --

NAGA CITY – Napuno ng kalungkutan ang paghatid sa huling hantungan ng ina ni Vice President Leni Robredo na si Salvacion “Sally” Gerona.

Sa naging talumpati ni Vice President Leni Robredo, inalala nito ang kabutihan, masasayang ala-ala at legasiya ng kanyang ina ng ito’y nabubuhay pa.

Ayon kay Robredo, labis ang kanyang ang pasasalamat sa lahat ng nakiramay at nagpaabot ng pakikidalahamti sa kanilang pamilya.

Nabatid na inilibing ang yumaong ginang pasado alas-4:30 nitong Sabado ng hapon sa Eternal Gardens, Balatas Road sa Naga City.

Tinatayang dumalo sa libing at misa nito ang libu-libong mga tagasuporta, prominenteng tao, mga malalapit na kaibigan ng pamilya at maging ng pangalawang pangulo.

Naroon din ang lahat ng mga anak ni Gerona na kinabibilangan ng pangalawang pangulo, ni Ma. Lourdes Gerona, Antonio Gerona Jr. at mga apo nito.

Kung maaalala, sumakabilang-buhay si Gerona noong nakaraang Sabado, Pebrero 22 sa isang pribadong ospital sa nasabing lungsod dahil sa iniinda nitong sakit.

Si Gerona ang asawa ng dating Regional Trial Court Judge na si Antonio Gerona na naging professor at Dean sa Universidad De Sta. Isabel, Naga City.