-- Advertisements --

Bagamat inaprubahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbibigay ng murang singil sa kuryente, hindi pa rin ito kabilang sa mga popondohan ng Department of Energy (DOE) para sa 2020.

Sa pagsalang ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa budget hearing ng House Committee on Appropriations inamin ng kalihim na prayoridad ng kagawaran ngayon ang paglalaan ng pondo sa kanilang electrification program.

Target daw kasi ng DOE na mabigyan at maabutan ng electric supply ang mga Pilipino sa malalayong komunidad.

Sa kabila nito tiniyak ng mga kongresista na lalakad ang Republic Act 1137 o Murang Kuryente Act.

Target ng Kongreso na kumuha muna sa National Treasury ng pondo para mapakinabangan ng publiko ang bagong batas.