-- Advertisements --

Nakatakda na raw luwagan ng Beijing ang kanilang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) restrictions ngayong linggo.

Matapos nagsagawa ng ilang pagluluwag sa nakalipas na mga araw, mayroon na lamang umanong 19 na kaso ang naitala ngayong araw sa kabisera ng China.

Dahil dito, asahan na rin daw ang pagbabalik ng mga residente sa kanilang mga trabaho at magbubukas na rin ang mga paaralan bukas.

Kung maalala, nagpatupad ang China ng zero-COVID strategy sa pamamagitan ng hard lockdowns, mass testing at mahabang quarantine periods.

Ang stratehiya ay naging epektibo kasunod ng resurgence ng covid noong buwan ng Abril.