-- Advertisements --
Kinansela ng organizers ng MTV Europe Music Awards sa Paris dahil sa patuloy pa rin na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militants.
Gaganapin sana sa Nobyembre 5 sa Paris Nord Villepinte ang nasabing awarding ceremony.
Ayon sa organizers na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng kanilang empleyado.
Inaasahang dadaluhan ng mga sikat na singer ang nasabing awarding ceremony gaya nina Taylor Swift, Olivia Rodrigo, Bad Bunny, Foo Fighters at ilan pa.