Mamamahagi ng mga regalo ang Manila Metro Rail Transit System(MRT-3) bukas, June 18, kasabay ng selebrasyon ng Father’s Day.
Ayon kay Department of Transportation Assistant Secretary for Raiwaly at nagsisilbi ring OIC ng MRT-3 Jorjette Aquino, magbibigay sila ng regalo sa mga tatay ng tahanan na sasakay sa tren.
Pupuwesto aniya ang mga personnel sa North Avenue Station, Cubao Station, Shaw Boulevard, Ayala, at Taft Avenue Station.
Magsisimula naman ang nasabing sorpresa alas-11 ng umaga.
Ayon kay Aquino, ang surpresang ito ay isang pagkilala at pasasalamat sa mga haligi ng tahanan n tahimik na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Isa aniya itong pagpapakita ng MRT-3 sa kanilang pagsaludo at paghanga sa mga sakripisyo ng mga tatay.
Samantala, dapat ay kasama ng mga tatay ng tahanan ang kanilang mga anak o kung hindi man ay buong pamilya para mabigyan ng regalo.