-- Advertisements --

NAGA CITY – Dead-on-the spot ang isang motorcycle driver matapos makabundol sa nakaparadang traktora sa Barangay Bagong Silang, Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Edmond Ruiz, 23-anyos, residente ng Brgy Gapas, Guinayangan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni Ruiz ang kahabaan ng naturang kalsada sakay ng kaniyang motorsiklo ng mawalan ito ng kontrol at nakabangga sa traktora na nakapark sa tabi ng kalsada na minamaneho naman ni Denver Dela Cruz Evangelista, 27-anyos, residente kan Brgy 14 Calambeg, Piddig, Ilocos Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa naturang insidente nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasawagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.