-- Advertisements --

Inanunsiyo ng singer na si Moira dela Torre ang pagsasagawa niya ng kauna-unahang world tour.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng world tour na gaganapin ngayon taon sa US, Canada at Middle East.

Magsisimula ito mula Pebrero 10 hanggang Abril 1, 2023.

Kasabay din nito ay sinabi niya na may ilang mga lungsod pa na maaring idagdag sa world tour niya.

Magsisimula ang kaniyang world tour sa pamamagitan ng major concert sa Araneta Coliseum sa darating na Pebrero 3.