-- Advertisements --
image 20

Inanunsiyo ng Pharmaceutical at biotechnology company na Moderna ang plano nitong magtatag ng isang pasilidad para sa pharmacovigilance sa Pilipinas na magsisilbi sa buong Asia-Pacific region.

Ginawa ni Moderna chief commercial officer Arpa Garay at senior vice president at general manager Patrick Bergstedt ang naturang anunsiyo sa isinagawang pagpupulong kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang mga opisyal ng Pilipinas sa Blair House sa Washington DC.

Ayon sa Moderna officials, inaasahang makapagbibigay ng maraming oportunidad sa trabaho sa health professionals sa bansa ang naturang shared service facility.

Inaasahan na nasa 50 staff ang magkakaroon ng trabaho na binubuo ng health professionals kung saan ang posibleng maging lokasyon ng ipapatayonh pasilidad ay sa Makati o sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Sinabi naman ni Pang. Marcos Jr. na ang development na ito ay makapagbibigay ng bentahe sa health care ng ating bansa.

Ayon sa World Health Orgnaization (WHO) ang pharmacovigilance ay isang siyensya at mga aktibidad na may kaugnayan sa detection, assessment, understanding at prevention ng adverse effects, medisina o vaccine-related problem.

Ito ang kauna-unahang investment ng Moderna sa Pilipinas at sa Asya.