-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tatlong araw na isinailalim sa rehearsal training ang mga kwalipikadong mga myembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) para maging kasapi ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Abdulqadir Dimalao, ang State Chairman ng South State Revolutionary Committee ng MNLF, layunin ng pagsasanay ay upang ihanda ang MNLF sa integration program sa PNP.

Umaabot sa mahigit 400 mga mandirigma na kinabibilangan ng mga kababaihan at kalalakihan ang lumahok sa rehearsal training.

Lahat sa kanila ay umaasa na makapasok sa pambansang pulisya ng Pilipinas.

Ang rehearsal training ng MNLF ay isinagawa sa Camp Datu Nola, Tambungalan sa Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao na sinaksihan ng mga opisyal ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

-- Advertisement --