-- Advertisements --
bc7583a71cd9617fc9aa6511f753ba98

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang reblocking at repair sa ilang mga kalsada sa Metro Manila.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod na kalsada at ruta:

1. EDSA (southbound) makalampas ng Malibay Bridge tapat ng Shell Gasoline Station (outer lane), Pasay City

2. EDSA (northbound) sa pagitan ng G. Don Vicente Ang St. hanggang Gen. Evangelista St. (2nd lane mula sa sidewalk), Caloocan City

3. Rizal Ave. Exit. (NB) sa pagitan ng 11th Ave. at Bustamante St. (1st lane)

4. C-5 Road Ugong sa kahabaan ng Lanuza Ave. at Casa Verde Townhomes, Pasig City

5. Mindanao Ave. (NB) sa kahabaan ng Mindanao Ave. Tunnel, Quezon City

Sinimulan ito kagabi, Nobiembre-10 at magtatagal hanggang 5AM ng Lunes, November 10.

Payo ng MMDA sa mga motorista, dumaan na lamang muna ang mga ito sa iba o alternatibong daanan o ruta upang hindi maabala ang kanilang biyahe.