-- Advertisements --

Nakipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Agriculture at mga market administrators ng 17 National Capital Region LGUs tungkol sa Farm-to-Market Direct Supply Linking in Metro Manila.

Pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas, Department of Agriculture Officer-in-Charge, Market Development Division Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) Joyce Mojica Bengo ang pagpupulong.

Napag-usapan ang tungkol sa 5-Point Farm-To-Market Direct Supply Linking ng area mapping, crop monitoring, market linking, delivery routing, at produce dispatching.

Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga farmers at vendors at mapababa ang presyo sa mga palengke lalo na kung mayroong oversupply ng mga gulay at iba pang agricultural products.