ILOILO CITY – Tinaga ng mister ang kalaguyo ng kanyang misis sa Passi City.
Ang suspek ay si Crisanto Layog, 80, residente ng Barangay Simsiman, Calinog Iloilo; samantala ang biktima naman ay si Rene Dao-ang, 48-anyos ng Brgy. Imbang Grande, Passi City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PLt. Col. Dennis Pamonag, hepe ng Passi City Police Station, sinabi nito na magkasama rin sina Dao-ang, Layog at misis nito sa iisang bahay.
Ayon sa hepe, bagong ka-live in partner ng misis ni Layog si Dao-ang.
Isinama ng naturang babae si Layog sa bahay kung saan sila nakatira ni Dao-ang dahil sa matanda na ito at wala na ring mag-aalaga pa sa kanya.
Posible ani Pamonag na nakaramdam ng selos si Layog kaya tinaga niya sa likod si Dao-ang habang ito ay nagluluto.