-- Advertisements --
Gaganapin sa United Arab Emirates ang 71st Miss World pageant.
Kinumpirma ito ni Julia Morley ang pangulo ng organisasyon na ito ay gaganapin sa buwan ng Mayo.
Huling ginanap ang pageant noong Marso 2022 na ito ay pageant para sa 2021.
Mayroong mahigit 100 kandidata sa pageant noong 2021 sa Puerto Rico subalit nagkaroon ng COVID-19 outbreak kaya hindi ito itinuloy at tanging ang top 40 contestants ang pinabalik noong Marso 2022.
Nagwagi sa nasabing pageant si Karolina Bielawska ng Poland.
Magiging pambato ng Pilipinas naman ang French-Filipino model na si Gwendolyne Fourniol.