-- Advertisements --

Dumating na sa El Salvador si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel para sa nalalapit ng coronation ng 2023 Miss Universe pageant.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan na kuha sa paliparan ng El Salvador.

May larawan pa ang Filipino-American beauty queen na kasama ang mga bagahe at isang karton na komento ng mga fans nito ay very Filipino ang istilo.

Nasa 80 delegado kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee ang magtatagisan ngayong taon.

Gaganapin ang coronation night sa Nobyembre 18.