Dumating na ngayong araw ang pambato ng Pilipinas na si Yllana Aduana sa Ho Chi Minh City sa Vietnam para sa inaabangang 23rd Miss Earth 2023 pageant.
Sa online post ng Miss Philippines Earth, ibinahagi nito ang mga larawan ng Pinay model-beauty queen kasabay ng pagdating nito sa naturang bansa.
Ang arrival look ni Yllana ay nakasuot ng kumikinang na gold gown na pinaresan nito ng salakot hat.
Bago nga ang paglipad ni Yllana sa Vietnam, nitong linggo kaniyang ipinangako na gagawin niya ang kaniyang makakaya para maiuwi ang Miss Earth crown sa Pilipinas.
Sinabi din nito na ibabawi niya ang Pinas at ilalaban ito.
Matatandaan na kinoronahan bilang Miss Earth Philippines 2023 si Yllana noong Abril at kakatawan sa bansa sa Miss Earth coronation night sa Disyembre 22 na gaganapin sa Saigon Exhibition and Convention Center sa Vietnam.