-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Suportado ng Western Mindanao Command ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog ng mortar sa Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan na ikinamatay ng magkapatid na menor de edad at pagkasugat naman ng 14 na iba pa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Aslamiya, 10 at Asnaida Tambak, 7 habang kasama naman sa 14 na nasugatan ang ina ng mga ito na si Noraisa.

Ayon kay Major Arvin Encinas, spokesperson ng Western Mindanao Command, walang operasyon na isinagawa ang militar noong nangyari ang pagsabog.

Ito ay sa kabila na itinuturing na stronghold ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang lugar.

Ngunit, kabilang sa iimbestigahan ang rival forces sang Moro National Liberation Front kag Moro Islamic Liberation Front na may matagal nang alitan sa lugar.