-- Advertisements --
Binigyan linaw ni Michelle Madrigal ang pagkakaroon ng bagong ka-relasyon.
Sa kaniyang social media, sinabi nito na kahit na anong pilit niya na manatiling single ay hindi pa rin nagawa dahil sa tila ibinigay MayKapal ang bago nitong nobyo.
Kasabay din nito ay nagpost siya ng larawan na kasama ang bagong nobyo.
Magugunitang noong Nobyembre 2021 ng kumpirmahin ng dating sexy actress na hiwalay na sila ng asawang si Troy Woofolk.
Naisapinal naman ang kanilang divorce nitong Abril 2022.