-- Advertisements --
miami heat wins

Pasok na sa Eastern Conference finals ang Miami Heat matapos magtala ng big upset nang idispatsa ang top team sa NBA na Milwaukee Bucks.

Tinapos na ngayong araw ng Heat ang kanilang best-of-seven series sa loob lamang ng limang laro nang iposte ang score na, 103-94.

Nag-survive ang Miami kahit umabot sa 22 turnovers ang sumablay nilang mga laro.

Sinamantala kasi ng mga bata ng Fil Am head coach ng Miami na si Erik Spoelstra ang hindi paglalaro sa Bucks ng reigning NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo dahil sa injury.

Ang tinaguriang “Greek freak” ay nagkasya na lamang sa pagiging bahagi ng cheering squad ng kanilang team.

Nagsama ng puwersa sa opensa sina Jimmy Butler na may tig-17 points ganon din si Goran Dragic.

Sa panig ng Bucks, na may NBA best record sa regular season, ay nasayang ang 23 points ni Khris Middleton.

Ang Miami, na number 5 seed sa East ay mag-aantay na lamang sa mananalo sa serye ng Celtics at Raptors.