-- Advertisements --

Nakatikim ng unang talo ang Miami Heat sa kamay ng New Orleans Pelicans matapos ilampaso sa score na 114-92.

Ito ay kaugnay pa rin ng kanilang unang preseason game ng NBA.

Hindi naman naglaro sa Miami ang iba pa nilang stars na sina Jimmy Butler, Goran Dragic at Andre Iguadala.

MIAMI 1

Sa Pelicans nanguna sa opensa si Zion Williamson na may 26 points, habang top performer din si Brandon Ingram na may 22 points, 6 rebounds at 6 assists sa kanyang all-around game.

Para naman sa Heat umangat sa kanyang game si Tyler Herro na nagposte ng 17 points, 5 rebounds at 6 assists.

Ang bagong player ng Miami na si Avery Bradley na nagmula sa Lakers ay tumulong sa 8 points mula sa 23 minutes na paglalaro.

Kung maalala, kagagaling lamang ng Miami sa matinding NBA season nang talunin sila sa Finals ng Lakers.