-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Muli na namang nahuli ng pulisya ang smuggle na sigarilyo na nagmula pa sa bansang Indonesia.

Matapos hinuli ng mga otoridad ang kahon kahon ng sigarilyo sa pamamahay ng nagpangalang Faizal Agamo Olarte na residente ng Zone 1, Purok Quilantang, Calumpang nitong lungsod .

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya sa pagdating ng nasabing kargamento kayat pinasok ang lugar subalit hinde naabutan ang may-ari ng nasabing mga sigarilyo.

Ayon kay Police Lt. Col. Julieto Espero ng Maritime Police na kanilang kinumpiska ang 1,355 rims ng absolute blue, 25 rims ng viewport class A, 5 rims ng Mabuhay at 96 rims ng Gudang Baru na mga sigarilyo na galing pa ng bansang Indonesia.

Kaagad namang nagsampa ng reklamo sa piskalya laban sa suspek sa paglabag sa RA 10863 kaso sa modernization the tariff customs administration. .

Matatandaan maraming beses ng nakahuli ng smuggled na sigarilyo ang pulisya sa rehiyon dahil idadaan ito sa dagat na mula pa sa bansang Indonesia.