Makalipas ang dalawang taong pandemya, masaya ngayong inanunsyo ng mga opisyal nitong lungsod ng Cebu na ibabalik na ang lahat ng mga religious activities kasabay ng selebrasyon ng ika-458th fiesta Señor sa darating na Enero 2023.
Kasama na dito ang novena masses na magsisimula mula alas 4 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi at ang fluvial procession.
Samantala, inihayag ni Cebu City Councilor Philip Zafra ibabalik na rin sa susunod na taon ang Sinulog grand showdown kung saan gaganapin ito sa unang pagkakataon sa South Road Properties (SRP) habang ang iba pang aktibidad ay isasagawa sa dating mga venues.
Sa panig naman ng Police Regional Office -7, nakipag-ugnayan na ang mga ito sa Cebu City government at Archdiocese of Cebu para sa plano at aksyon sa pagpapatupad ng Major Event Security Framework.
Magkakaroon ng deployment ng kanilang mga tauhan para sa crowd control at protocols lalo na sa mga lugar na nakatuon sa aktibidad ng Sinulog
Target din ng pulisya ang na walang major incident na maitala ngunit mangyayari pa umano ito kapag nagtulong-tulong ang bawat isa.