-- Advertisements --
image 175

Binigyan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng karagdagang tulong ang naiwang pamilya ng limang rescuers sa Bulacan na nasawi noong kasagsagan ng bagyong Karding.

Kasabay nito, ipinaabot din ng House members ang pinagtibay na resolusyon na kumikilala sa kabayanihan, katapangan, at dedikasyon sa public service ng tinaguriang “Bulacan 5.”

Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nag-abot ng House Resolution No. 16 sa pamilya nina Narciso Calayag Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George at Troy Agustin.

Kabilang sa karagdagang tulong na ibinigay ng Office of the Speaker ang medical, burial, at educational assistance at scholarship program sa kanilang mga anak na nag-aaral, at livelihood program.