DAVAO CITY – Sinimulan na sa mga city health personnel sa Davao city ang pag-disinfect sa mga paaralan na ginamit sa May 9, 2022 Local and National Elections.
Ito matapos pinatupad ng Department of Education (DepEd) XI ang pag-linis sa mahigit 1,443 na mga paaralan na ginamit bilang voting centers. Isinigawa ang paghahanda aniya ito para sa muling pagbabalik ng limited on person face to face classes sa Davao City.
Bahagi naman ito sa kautusan na inilabas ni DepEd 11 Regional Director Allan Farnazo para sa ginawang Brigada Eskwela operation clean up.
Noong isang araw , Marami ng paaralan sa Davao city ang nadisinfect na ng CHO at handa na ito gagamitin ng mga estudyante sa susunod na linggo.
Samantala, bukod sa City health office personnel, kabilang din sa tumulong maglinis ay ang mga magulang at mga barangay functionaries na ilalim sa mga kandidato, ang naglinis sa mga election paraphernalia.










