-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Inalerto na ng Philippine Embassy sa Turkey ang mga Pinoy upang mas lalong maging maingat at maka iwas sa banta ng Covid 19 matapos kinompirma ni Health Minister Fahrettin Koca na isang Turkish citizen na nag travel mula sa Europe ang unang nag positibo sa nasabing deadly virus.

Ang pasyente ay isolated na habang ang kanyang pamilya ay kinaurantine na din.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Alvin Alviso, Pinoy na nakatira sa Turkey, sinabi niyang nababahala aniya ang mga kababayang Pilipino sa nasabing bansa, dagdag pa na hindi na rin papayagang mag day off ang mga OFWs ng kanilang mga amo kaugnay ng Covid 19 scare.

Palagi naman aniyang nagpapaalala si Philippine Ambassador to Turkey RAUL HERNANDEZ na umiwas na sa mga matataong lugar.

Magugunitang noong nakaraang buwan lang na sinarado ng Turkey ang border gates sa Iran, isa sa mga bansang pinaka apektado ng Covid 19 at kinansela din lahat ng Flights sa nasabing bansa.