-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng El Niño task force ng gobyerno ang mga local government unit sa matinding epekto ng El Nino.

Sinabi ni Task Force El Niño spokesperson Joey Villarama na mahalaga na magkaroon ng pagpaplano ang mga LGU para agad na matugunan ang kakulangan ng tubig, kuryente epekto nito sa pananim.

Ang mga LGU aniya ang siyang nakakaalam kung ano ang magiging epekto ng El Nino sa kanilang mga lugar.

Pagtitiyak naman nito na may programa ang gobyerno sa nasabing epekto ng EL Nino.