-- Advertisements --
OWWA

Iniulat ng Overseas Welfare Workers Administration na darating sa Pilipinas ngayong araw ang mga labi ng OFW na si Marjorette Garcia na pinatay sa Saudi Arabia.

Ayon kay OWWA administrator Arnell Ignaco, pagdating bangkay ng biktima sa bansa ay idederetso ito sa San Jacinto, Panggasinan kung saan siya bibigyan ng hero’s welcome.

Samantala, kaugnay nito ay sinabi rin ni Ignacio na batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, selos ang nakikitang motibo na pinag-ugatan ng karumaldumal na pamamaslang ng suspek na isang Kenyan sa biktima na kaniyang kapwa kasambahay at kasalukuyan na ring arestado ng kapulisan.

Kung maaalala, una nang iniulat ni DFA ASec. Paul Cortes na nasawi ang 32-anyos na si Garcia nang dahil sa pananaksak.