-- Advertisements --
image 106

Kumpleto na ang apat na koponang maglalaban-laban sa semi-final matches ng 2022 FIFA World Cup na ginaganap ngayon sa Qatar.

Ito ay matapos na umabanse pa ang Team France kasunod ng naging panalo nito laban sa Team England sa puntos na 2-1.

Habang ilang sandali naman bago ito ay una nang sumulat ng kasaysayan sa World Cup ang Team Morocco bilang kauna-unahang African at Arab country na nakaabot sa semi-finals ng 2022 FIFA World Cup sa Qatar matapos na makapuntos ng 0-1 laban sa team Portugal.

Samantala, maghaharap naman sa December 14, 2022 ang mga koponan ng Croatia at Argentina, habang sa December 15 naman nakatakdang maglaban ang mga koponan ng Morocco at bansang France.