Lalo pang idiniin ni Sen. Panfilo Lacson ang mga kongresista sa panibagong bilyong infrastructure funds na nakalaan para sa 220 na mga congressional districts.
Ito ang isiniwalat ni Lacson na nakapaloob sa inaprubahang bersyon ng panukalang 2021 national budget sa Kamara.
Ayon kay Lacson, nasa P15 billion mahigit ang pinakamataas na infrastructure funds at P620-milyon naman ang pinakamababang pondo para sa ilang congressional districts.
Sinabi ni Lacson, maaawa ang mga senador sa kanilang sarili at magmumukhang barangay kagawad dahil sa naturaang napakalaking infrastructure funds para sa mga congressional districts.
Batay sa impormasyon ng senador, mga kongresista at hindi Department of Public Works and Highways ang may kagagawan nito.
Samantala, tumanggi muna si Lacson na pangalanan ang mga kongresista sa mga tinukoy na distrito upang mas mapagtuunan ang pondo at hindi ang mga personalidad.










