-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ligtas mula sa COVID-19 ang lahat ng miyembro ng Benguet Police Provincial Office(BPPO).

Ayon kay PCol. Elmer Ragay, Provincial Director ng Benguet PPO, nasa maayos na kalagayan ang lahat ng kasapi ng pulisya sa lalawigan sa kabila ng banta ng COVID-19.

Inihayag niyang mula sa 874 na miyembro ng Benguet PPO ay isinailalim sa rapid test para sa COVID-19 ang 105 na pulis.

Aniya, 12 sa mga ito ang suspected cases ng COVID-19 ngunit negatibo ang resulta ng rapid test ng mga ito.

Tiniyak ni Ragay na ipagpapatuloy ng Benguet PPO ang maganda nitong serbisyo sa publiko para mapanatili ang peace and order at para malabanan ang COVID-19.