-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang lalake pagkatapos itong ma-hit-and-run sa Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Ronnel, 36 anyos, residente ng Sitio Mulawin, Brgy. Ilayang Polo, ng nabanggit na bayan.

Habang ang suspek naman ang isang hindi pa nakikilalang driver ng isang tanker truck.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakakuha aniya ng tawag ang Pagbilao Municipal Police Station kung saan may nangyaring aksidente sa barangay road ng Sitio Little Batangas, Brgy. Ibabang Polo, Pagbilao Quezon.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, galing aniya sa Brgy. Ibabang Polo ang suspek na nagmamaneho ng isang tanker truck nang nabangga nito si alyas Ronnel na nasa kanang tabi ng daan dahil pinaniniwalaan ng mga awtoridad na nasa ilalim ito ng impluwensya ng alak nang nangyari ang aksidente.

Kaagad naman aniyang tumakas ang suspek papunta sa Brgy. Binahaan sa Pagbilao.

Dinala pa sana si alyas Ronnel sa isang ospital ngunit dineklara rin lang naman itong dead-on-arrival.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring aksidente.