KORONADAL CITY – Boluntaryong sumuko ang mga itinuturong kasapi ng Ampatuan private armed group at umano’y followers ng dating bise alkalde sa Maguindanao.
Ayon kay Police Brigadier General Eden Tugale, regional director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao, ang nasabing mga kasapi ng private armed group ay sumuko dahil sa serye ng negosasyon sa mga otoridad.
Kinilala ang mga ito na “Ampatuan” group na sinasabing masugid na tauhan ni dating Shariff Aguak Vice Mayor Datu Akmad Ampatuan.
Ang mga sumuko ay nagngangalang Abby Aguak, Pendatun U. Ampatuan at Gani Macmod, mga residente ng Shariff Aguak, Maguindanao.
Sa pagsuko ng mga ito ay bitbit nila ang mga high powered firearms na kinabibilangan ng tatlong M16 rifles at isang M14 rifle.