-- Advertisements --
Naisumite na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng inirerekomendang papalit kay PNP chief Guillermo Eleazar, na magreretiro na sa susunod na buwan.
Ayon kay Año, limang katao ang napabilang sa listahan na isinumite niya kay Pangulong Duterte para maging bagong PNP chief.
Noong Martes pa niya isinumite ang listahan na ito sa tangapan ng Pangulo.
Mayo nang maging PNP chief si Eleazar kasunod ng retirement ni Police General Debold Sinas.
Si Eleazar, na ika-anim na PNP chief sa ilalim ng Duterte administration, ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre 13.