-- Advertisements --

Pinahihintulutan na ng Department of Education (DepEd) na hindi na mag-report on site ang mga gurong hindi naman nakaduty mula May 2 hanggang May 13 na panahon ng paghahanda para sa mismong araw ng halalan.

Ito ay matapos na aprubahan ng DepEd ang rekomendasyong ito ng mga regional directors at division superintendents dahil karamihan naman sa mga guro ay inaasahang magsisilbi sa Mayo 9.

Sa datos ng kasi ng kagawaran ay tinatayang nasa 647,812 na mga kawani ng DepEd ang magsisilbi bilang poll workers, 319,317 dito ay kabilang sa miyembro ng Electoral Boards habang 200,627 naman ang maglilingkod bilang Electoral Board support staff.

Samantala, nilinaw naman ng DepEd, kinakailangan na ipagpatuloy ng mga gurong hindi magsisilbi sa eleksyon ang iba ang mga gawain tulad ng school forms, paghahanda ng mga instructional materials at learning plans, at gayundin sa mga evaluartion ng mga output at portfolio ng mga mag-aaral.

Magugunita na una nang inalmahan ng ilang grupo ng mga guro ang naunang kautusan ng DepEd na personal na papasukin pa rin sa mga paaralan sa nasabing panahon ng paghahanda sa halalan ang mga gurong hindi kabilang sa mga rehistradong magsisilbi sa mismong araw ng botohan sa Mayo 9.