-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Hinandugan ng mga bulaklak ang mga frontliners at health workers ng Tinoc District Hospital ng mga kasapi ng Tinoc Police Station sa Tinoc, Ifugao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Melvin Salvador, hepe ng Tinoc Police Station, sinabi niya na alinsunod sa mungkahi ng kanilang panlalawigang tanggapan ay inilunsad nila ang nasabing programa.

Bumili sila ng mga bulaklak sa Benguet at mismong mga babaeng pulis mula sa kanilang himpilan ang nag-ayos ng mga bulaklak bago inihatid sa Tinoc district Hospital .

Nakipag-ugnayan sila sa pagamutan at nakiusap na gawin na lamang sa labas ang pamimigay nila ng bulaklak sa mga kawani ng nasabing pagamutan

Inaasahan na magsisilbi itong motivation para sa kapwa nila frontliners dahil sa kanilang pagsasakripisyong hindi muna makapiling ang kanilang pamilya para lamang makapagbigay ng serbisyo sa bayan.