-- Advertisements --

Umani ng paghanga mula sa mga fans ng singer na si Rihanna matapos na ipasilip nito ang anak na si Baby Fenty.

Sa kaniyang social media kasi ay nag-post ito ng video ng anak.

Ilang oras ng maipost nito ang video ay umabot na sa mahigit 4 na milyon ang nag-like at ilang libo na rin ang nag-share.

Si Baby Fenty ay unang anak ng singer sa asawang rapper na si A$AP Rocky.

Ngayong lamang nito ipinasilip sa mga fans ang larawan ng anak matapos ng pitong buwan ng isilang niya.