-- Advertisements --
Ikinatuwa ng mga netizens at fans ni TV host/ actress Kris Aquino ang pagbuti na ng kaniyang kalusugan.
Sa larawan na ibinahagi ng malapit na kaibigan ng pamilya Aquino na si Batangas Vice Governor Mark Leviste ay makikita na sumigla ang pangangatawan ng actress.
Noong Disyembre 25 kasi ay nagbigay ng update ang actress sa kaniyang medical condition.
Dalawa aniya sa apat na diagnosed autoimmune na sakit ay panganib sa kaniyang buhay.
Mahigit anim na buwan na siya kasama ang dalawang anak sa US at inaayos ang ilang dokumento para mapalawig ang pananatili nila.