-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian na maaari nang ma-access ng publiko ang lahat ng mga dokumento kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa website ng Senado.

Isang impeachment tab ang idinagdag sa website ng Mataas na Kapulungan, na mayroong apat na section, kabilang ang prosekusyon, depensa, court issuances at journal, kung saan isinumite ang mga rekord, manifestation at mga dokumento sa kasagsagan ng paglilitis na in-upload naman ng Senate Secretariat, na nagsisilbing impeachment clerk of court.

Ayon sa Senate President, sisiguraduhin nilang lahat ng mga dokumento at ebidensiya ay nakikita ng publiko dahil naka-upload na ang mga ito sa naturang website.

Hinikayat din ni Sen. Gatchalian ang mga Pilipino na busisihin mismo ang impeachment records.

Aminado naman ang liderato ng Senado na bagamat sila ang nagsisilbing senator-judges, ang ultimong hukom ng impeachment proceeding ay ang mamamayang Pilipino.