-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang ilang mga kasuotan ng namayapang singer na si Prince.

Ayon sa RR Auction ng Boston na mayroong mahigit 200 na damit ang nakatakdang ibenta sa auction.

Nakuha ng collector ang mga damit ng makipag-ugnayan ito sa malapit sa kaniya para makuha ang mga kagamitan.

Bukod kasi sa pagiging singer aniya ay kilala ito bilang fashion icon.

Kabilang sa ibebenta ay ang damit na suot ng singer noong kinanta niya ang “Purple Rain” sa 1985 American Music Awards.

Magugunitang namayapa ang singer noong 2016 dahil umano sa fentanyl overdose.