-- Advertisements --

Sinimulan ng pinailawan ng lungsod ng Makati ang mga parol sa kahabaan ng Ayala Avenue.

Ang nasabing pagpapailaw nitong gabi ng Martes ay taunang isinasagawa mula pa noong nakaraang anim na dekada.

Dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod at ni Makati 2nd District Representative Luis Campos kung saan ipinagmalaki nito na ang nasabing mga pailaw ay dinarayo ng mga bisita.

Gawa sa mga shell ng capis at ang dekorasyon ay siyang ginamit noong pang nakaraang apat na taon.

Magtatagal ang nasabing Christmas parols na nakalagay sa 2 kilometro ng Ayala Avenue ng hanggang Enero 14.