-- Advertisements --

Dumalo ang ilang celebrities at personalidad sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginanap ngayong Lunes sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Bagama’t walang inihandang seremonyas o photo setup sa red carpet dahil sa masamang panahon, sinigurado pa rin ng mga panauhin na nakasuot sila ng angkop at pormal para sa okasyon.

Kabilang sa mga dumalo ang ilang kilalang pangalan sa showbiz at iba pang larangan sa pulitika.

Isa si Heart Evangelista sa mga celebrities na dumalo sa ika-SONA ni PBBM.

Suot ang puting Filipiniana na may folded details habang nakasuot ng klasikong Barong Tagalog at itim na pantalon si Senate President Chiz Escudero at ang anak na si Quino.

Hindi rin nagpahuli si Pia Wurtzbach na nagsuot ng modernized white terno na may sheer skirt. Bitbit niya ang isang white clutch at simple pero eleganteng alahas, kabilang ang isang Philippine flag pin bilang patriotic accent.

Samantala, dumalo rin si Leyte 4th District Representative Richard Gomez na naka-simple ngunit klasikong burdadong barong. Ang anak na si Juliana Gomez ay suot ang isang makulay na modernong Filipiniana na may draped at knotted fabric details.