-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Inihayag ng isang journalist sa Washington D.C. U.S.A. na kaya maraming bumoto ng maaga ay dahil sa takot sa mga right wing armed militias na maaring lalabas sa mismong araw ng halalan sa November 3, 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni G. Jon Melegrito, isang journalist na nakabase sa Washington DC at tubong Guimba, Nueva Ecija na marami ang nag-early voting dahil sa posibleng pagkakaroon ng karahasan sa mismong araw ng halalan.

Posible kasing lumabas ang mga right wing armed militias sa mga polling places na nananakot sa mga botante.

Aniya, mismong si Pangulong Donald Trump ang tumatawag sa kanila para maghanda.

Bukod dito ay kinakatakutan din ng mga tao ang COVID-19 pandemic.

Samantala, sinabi pa ni Melegrito na exciting ngayon ang election sa Estados Unidos dahil ito ang halalan na napakataas ang ang bilang ng mga Pilipino na boboto na aabot sa 65%.

Dagdag niya na batay sa isinagawang survey ng Asian-American Voters coalition ay 52% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa Democrats, 34% naman sa Republican at 12% ang independent.