-- Advertisements --
firecrackers injury

Nadagdagan pa ng bagong 74 ang bilang ng mga biktima na nasugatan dahil sa paputok sa nagdaang holidays noong 2022.

Dahil dito pumalo na sa 211 ang caseload sa fireworks-related injuries.

Base sa latest surveillance report ng ahensiya, ito ay 16% ba nas mataas kumparas sa 182 cases na naitala noong 2021 subalit 30% naman na mas mababa kumpara sa 5-year average na nakapagtala ng 300 kaso sa kaparehong period.

Karamiha o nasa 102 sa mga naitalang injury ay mula sa national capital region, 25 mula sa western visayas at 20 mula sa central luzon.

Mayroon ding 13 katao ang nasugatan dahil sa paputok sa ilocos region,tig-11 sa calabarzon at bicol region, 8 sa cagayan valley, 6 sa central visayas at 5 sa Soccsksargen.

Nakapagtala din ng 4 na kaso sa Cordillera Adminsitrative region, tig-2 sa Mimaropa at Davao region, tig-isa sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

Nagtamo ang nasa 76 na biktima ng injuries sa kamay, 59 sa mata, 29 sa binti, 25 sa ulo at 23 naman sa braso.

Sa kasamaang palad, mayroong 11 ang nagtamo ng burn injuries na kinailangan ng amputation o pagputol ng paa,

Nasa 167 ng mga biktima ay kalalakihan na nasa edad 11 buwan pa lamang hanggang 80 taong gulang.

Ang mga pangunahing paputok na dahilan ng nasabing mga injuries ay ang kwitis, boga, 5-star at fountain.