-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ni Trade Sec. Ramon Lopez na hindi kasama sa mga pinapayagang magbubukas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang mga bars.

Magugunitang sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Infectious Diseases (IATF) No. 48, kabilang sa pinapayagan ng magbukas sa mga lugar na nasa GCQ na ang mga bars o inuman.

Sinabi ni Sec. Lopez, hindi niya alam kung typographical error ang pagkakakasama ng mga bars dahil hindi naman ito napag-usapan sa IATF meeting.

Ayon kay Sec. Lopez, aayusin nila ngayong araw ang pagkakamali.

Inihayag ni Sec. Lopez na pinapayagan lamang magbubukas uli ang mga bars sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ).