-- Advertisements --

Pinawi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pangamba ng publiko sa pagkain ng isdang bangus.

Kasunod ito sa pagkakatuklas ng bahagi ng mga microplastics sa ilang uri ng isda sa Mindanao.

Ayon sa BFAR na wala pa silang natanggap na ulat na mayroong nalason ng makakain ng isda na mayroong traces ng microplastics.

Hanggang wala pang health advisories laban sa pagkain ng isdang bangus ay mananatiling ligtas itong kainin.

Magugunitang sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST) na nakatuklas sila ng mga microplasticsa ilang uri ng isda sa mga fishponds sa Mindanao.