-- Advertisements --
Muling kinastigo at pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Ayala at Pangilinan kaugnay sa umano maanomalyang kontrata sa water concessionare.
Si Ayala ang pinuno Manila Water habang si Pangilinan naman sa Maynilad.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pagbatikos sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) sa Malacañang.
Sinabi ni Pangulong Duterte, pasok na pasok sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kontrata ng Manila Water at Maynilad sa gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, nais din niyang ibalik ng mga Ayala at Pangilinan ang bilyun-bilyong kinolekta ng kanilang kompanya noon pang 1956 mula sa mga konsumer.