-- Advertisements --

Aminado ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na malaking hamon para sa kanila ang pagtugon sa mga naglipanang mga colorum na sasakyan ngayong Semana Santa.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police chief PGen. Benjamin Acorda Jr. kasunod ng isinagawang interagency meeting nito kasama ang iba’t-Ibang ahensya ng pamahalaan sa Camp Crame, Quezon City.

Inaasahan kasi ng mga kinauukulan na kasabay ng pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holy week ay ang mga mapagsamantalang mga colorum na sasakyan na maniningil mataas na pamasaahe sa mga pasaherong mahihirapan na makasakay sa regular na transportation vehicle.

Bagay na sinang-ayunan din ni Philippine Coast Guard spokesperson Rear Admiral Armand Ballilo kasabay ng pahayag na Isa rin ang mga colorum vessels sa kanilang pangunahing concern para sa sea travel.

Aniya, ang naturang mga colorum vessels ay ang mga fishing boats o private boats na ginagamit ng mga mapagsamantalang indibidwal tuwing peak season para kumuha ng mga pasahero dahil wala nang masakyan at para na rin mag-island hopping.

Delikado aniya ang colorum vessel sapagkat pawang mga wala itong floating equipment, sapat na radyo, at may mga inaccurate na passenger lists.

Samantala, dahil dito ay nagpasaklolo ngayon ang PCG sa PNP para naman sa pagmo-monitor sa mga coastlines upang maiiwasan ang anumang uri ng mga aksidente sa dagat na dulot ng mga hindi rehistradong sasakyan.

Kaugnay nito ay Inihayag din ng Land Transportion Offie na plano nitong maglagay ng mga tauhan sa mga entrance at exit ng mga transport terminals, gayundin sa pakikipagtulungan sa PNP at MMDA para naman sa kaukulang monitoring sa mga colorum operation.